Friday, 21 February 2014

Egypt: Unang sibilisasyon sa Africa

Heograpiya: Sakop ng Egypt ang parihabang teritoryo sa may hilagang silangang bahagi ng kontinente ng africa sa pagitan ng 22 at 32 parallel ng latitude. Ang makasaysayang Ilog Nile ay dumadaloy sa sankatlong (1/3) bahagi ng bansa. Nahahati ang egypt sa apat na rehiyong pisiyograpiya: Ang Lambak at Delta ng Nile; ang silangang disyerto; ang kanlurang disyerto at ang sinai.

                                           

PamayananNaimpluwensyahan ng kulturang Egyptian ang sibilisasyon ng Israel at Greece na nagbibigay daan sa pagsilod ng kabihasnan ng mga kanluranin.

Pamahalaan: Nagsimula sa egypt noon 3250 BCE ang kauna-unahang pamahalaan sa ilalimn ng iisang pinuno. Ginawa ito ni Menes ng kanyang pag-isahin ang ibaba at itaas ng Egypt. Kasabay nito itinatag niya ang isang sentralisadong pamahalaan.

Hanap-Buhay: Gumawa ang mga Egyptian ng dike at kanal upang madagdagan ang ani sa bawat taon. Nagkaroon ng sistema ng irigasyon at patubig na lalong nagpaunlad sa pagsasaka. 

Kultura: May higit-kumulang na 30 dinastiya ang namuno sa kasaysayan ng Egypt. Pinagkaisa ng malakas na dinastiya ang mga maliliit na tribo at ang maliliit na dinastiya ay karaniwang pinatatalsik ng higit na malakas na pamilya.

Relihiyon: Tinatawag ba Paraon ang pinuno na may hawak ng tungkulin bilang hari at nagtataglay ng kapangyarihang mala-diyos. kinontrol ng paraon ang pamahalaan, hukbong militar at maging relihiyon.

                                            

Paniniwala: Mula sa mga taga-Egypt natutuhan din ang kaalaman kung paano pinatatagal ang bangkay nang hindi naagnas sa pamamagitan ng kemikal.

Mga ambag sa kasaysayan:

Edukasyon: Nakalikha ng isang sistema ng pagsulat ang mga taga-Egypt noong 3200 BCE. Mayroon itong piktograpiya na kilala sa tawag na Hiroglipiko (Hieroglyphics) na ngangahulugang "Sacred Carvings".  


Medisina: Ang aklat ng "Paggamot ng mga sakit" (Salin) na isinulat noong panahon ng Matandang Kaharian ay isa pang ambag sa larangan ng medisina.

Ekonomiya: Isang magandang katangian ng lipunang Egyptian ay ang mataas na pagtingin sa mga Kababaihan. May karapatang magmay-ari ng ari-arian ang mga kababaihan sa Egypt at matamasa nila ang mga karapatang panlipunang hindi tinamasa ng ibang tao nang panahong iyon.

                        

Sining: Mataas an antas ng Sining sa Egypt tulad ng arkitektura. Ginawa din nila ang Great Sphinx at nagpatayo ng Obelisk.                    

                                        


Agham: Ang kaalaman sa wastong pagsukat at sistema ng matematika ang utang na makabagong sibilisasyon sa mga taga-Egypt.
  

 
Bakit mo pinili itong Sibilisasyon?
Dahil para saakin, ito ang pinakamahusay at sila ang nagTagumpay na sibilisasyon para saakin. Dahil isa narin ang Ilog Nile, Kapag umaapaw uto nagiging Putik at nagiging lupa na din. Pwede sila magtanim at mangisda narin. Nagsilbi rin itong daanan sa mga tranportasyon.

























No comments:

Post a Comment